Tagumpay
Posted by Revolving_Drum at 02:38 PM on April 15, 2005

Tagumpay


Isang saliting umaalab sa ating puso. Ito ang ating ninanais araw araw, habang tayo’y nanaginip, natutulog, nagaaral, nakikipagsex at ano pa man.

Tagumpay sino bang may ayaw?

Tumagumpay ako ngayong araw na to sa isang matinding pagsubok. Natatakot ako sa mga nalipas na araw tungkol sa aking mga majors subject- delikado- nakakatakot- hindi ako pepwedeng bumagsak. At dito ako lumabas na tagumpay. Nang makuha ko ang mga papel, walang lumabas na tigre- walang olats- walang zero- panalo.

Political Design: 1.0
Political Economy 3.0
Polical Philosophy Two: 2.0
English Two: 2.0
International Relations: 2.5

Tagumpay nga! Ngunit bat ganun ang salitang ito? Bakit namimili ang tagumpay? Bakit hindi pwede lahat manalo- kailangan lagi may matalo. Kahit sa basketball, volleyball, chess at pagmamahal- lahat may matatalo- olats kung tawagin.

Talo

Natalo ang dalawa kong matalik na kaibigan. Mapanganib ang kanilang sitwasyon. Yung isa dalawang bagsak sa majors, yung isa naman bawal nang bumagsak kahit isa. Hindi ko kaya ang nangyayaring ito. Kahit nanalo ako parang lugi parin- parang natalo pa rin ako.

Hindi ko mainitindihan- bat ba palaging may naiiwan, nadudulas, natatlo. Ang mundo ba ay isa lamang laro? Kailangan may malugi? Sa buhay- sa tunay na buhay, may naiiwan talaga- at parang makamit ang tagumpay dapat may mahuli nga. Walang champion pag wala siyang natalo, walang 1st place pag walang second. Palaging ganito.

At aalahanin ang pagkatalo ng aking mga kaibigan, hindi ko malubos maisip na ganyan talaga ang mundo- na ang malakas nag nanalo,ang mahina natatalo.

" The strong shall live and the weak shall die", sabi nga ni Shishio

Mahina sila sa utak munit alam ko ang kaibigan ko, nagaaral yan kahit hindi makaisip ng mabuti- kaso natalo parin.

Ganyan nga ang mundo, dapat may matalo bago may manalo. Nanalo ako, natalo kaibigan ko- parang talo rin ako. Hay buhay.

listening to: Alab Ng Puso
reading: Da Vinci Code: Dan Brown
watching: Poor House
feeling: Relieved yet Dissapointed

Comments : 8 Into Memories
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on April 16th, 2005 at 09:27 AM
Hmm... oo nakakalungkot din. Pero di ba hindi naman 50% tamang kaawaan ang sinuman, lalo lang natin silang binababa. Pero on the other hand, oo nakakalungkot talaga especially kung tropa.
Comment posted on April 16th, 2005 at 07:43 AM
Sana nga... the future for them is bleak but thanks for the consoling words.
Comment posted on April 16th, 2005 at 05:40 AM
congrats for your grades and the "success" you garnered. about your friends, dont worry, they will be okay.
Comment posted on April 16th, 2005 at 03:21 AM
isa pa pala, hndi mo pa ko tinuturuan kung pano maglagay ng Pic sa taas tulad nung sa iyo!
Comment posted on April 16th, 2005 at 03:20 AM
hello! wow! ang galing sa interel ah..asar yun! hehehhe...hmmm...kasam namin sa videoke?..si ND, Kyra, Allan, Roselle, Raven, Paro, Migs, Chip, Arianne, ako...
Comment posted on April 16th, 2005 at 07:45 AM
Ay yung pic nga pala. nakakalimutan ko, sa ym nalang.

Ah kayo pala yugn sinasabi ni Paul. Ayus.
Comment posted on April 16th, 2005 at 01:06 AM
Siguro nangyayari at nagkakaroon ng mga nananalo at natatalo dahil iyon ung isa sa mga "spice" ng buhay. Di ko mapaliwanag pero ganun ung pagkakadecipher ko sa mga ganung bagay eh. Pagsubok lang yan ika nga. Napapagtagumpayan sa bandang huli kung kakayanin. Nakaranas din ako ng pagkatalo pero sa bandang huli, narealize ko na masarap din mabigo, may matutunan ka talaga kahit magkakaroon ka ng mga "senti moments". Depende na sa tao kung paano nila itratransform ung pagkatalo nila. Pero hindi talaga katapusan kung sakaling mabigo. Masakit lang. Pero may lunas rin yan.
Comment posted on April 16th, 2005 at 07:48 AM
Emote time hehehe,. Tama kailangan rin ang matalo kahit minsan para matuto kaso alam mo yon kahit panalo ako sa switwasyon nato(dahil ala ako bagsak) Pero pagnakikita ko mga kaibigan ko na ganun eh hindi ako natutwa..
Menu
your name:

url:

your message:

Kagaguhan
Explorer
Insight
Highly Political
On The Street
I Want
Tagay!!!
Sports
Film Critic Basket
Pic of The Week
Credits